Target ng administrasyong-Marcos Jr. na gawing 97.5 percent na rice sufficient ang Pilipinas sa susunod na limang taon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos aprubahan ang Masagana Rice Industry Development Program sa Rice Industry Convergence Meeting sa Quezon City.
“This convergence meeting, I think, has given us a good roadmap to follow, but marami pang mangyayari d’yan between now and our goal of having a 97.5-percent self-sufficiency in rice. I don’t think you have to be 100 percent because there’s a… But I think 97.5 I think is a good enough number. We can feel that… Masasabi naman natin na we are able to feed. At least sapat ‘yung ating ani sa bigas,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Paliwanag ng Pangulo, ang natitirang 2.5 percent ay para sa mga balakid sa produksyon.
You do not have to really go to 100 percent kasi ‘yung three percent iba ‘yung mga niche products, ‘yung mga organic, ‘yung mga special na grain, Japanese rice, ‘yung mga ganun,” aniya.
Hinihkayat ng Pangulo ang lahat ng stakeholders na sundin ang roadmap para makamit ang target na rice sufficiency.
“Ngayon, may plano na tayo. Sundan natin. It’s a good plan…It’s a good roadmap. Let’s follow it. There will be obstacles coming up but that’s what we’re here for, to solve those problems,” pahayag ni Pangulong Marcos.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW