November 3, 2024

94% ng Pinoy pabor sa face-to-face classes

Pabor ang mayorya ng mga Filipino na pabalikin na ang mga mag-aaral sa face-to-face classes.

Batay ito sa resulta ng survey ng Pulse Asia noong June 24 hanggang 27 na kinomisyon ni Senator Sherwin Gatchalian.

Sa survey, tinanong ang mga respondents kung gaano sila sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon na payagan na ang face-to-face classes.

Lumabas na 94% ang sang-ayon sa pagbabalik ng face-to-face classes kung saan 67% dito ang sumagot ng “strongly agree” habang 27% ang “somewhat agree.”

Habang 2% lamang ng mga respondent ang nagsabing hindi sila sang-ayon at 4% ang hindi masabi kung sang-ayon sila o hindi.