NAPATAY ng tropa ng gobyerno sa Lanao del Sur ang siyam na suspek sa pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na nangyari noong Disyembre 2023.
Naganap ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga miyembro umano ng Dawlah Islamiya na armado ng malalakas na armas noong Huwebes at Biyernes sa Barangay Tapurong sa bayan ng Piagapo.
“Neutralized individuals were identified as perpetrators of the fatal MSU bombing on December 3, 2023,” mababasa sa statement nito.
Samantala, sugatan naman ang apat na sundalo sa nasabing operasyon at dinala sa ospital.
Narekober sa mga nasawing suspek ang siyam na high-powered firearms at dalawang improvised explosive devices.
“The precision and unwavering dedication exhibited in this operation, particularly in targeting the perpetrators of the Mindanao State University bombing on December 3, 2023, deliver swift and decisive justice for the victims of the despicable attack,” wika ni AFP chief of staff General Romeo Brawner, Jr.
Dagdag pa niya, maituturing na isang babala ang naturang operasyon para sa mga nalalabing suspek sa pambobomba, gayundin sa iba pang mga kriminal na banta sa buhay ng publiko.
“The remaining few will face our full force and unshakeable resolve in bringing every single responsible individual to account,” dagdag ni Brawner.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE