Nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) habang naaresto naman ang suspek sa human trafficking matapos ang isinagawang entrapment operation sa Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric Distor ang suspek na si Bai Sofia Tuas.
Nadakip si Tuas sa entrapment operation na ikinasa ng NBI-BARMM. Nagkasundo ang suspek at isang undercover agent na magkita sa isang hotel sa Cotabato City kung saan humiling sila ng siyam na babae kapalit ng P5,000 bawat isa.
Noong Agosto 18, nagtungo sa hotel ang NBI BARMM, kasama ang Ministry of Social Welfare and Development-BARMM, kung saan nagpunta sa kwarto ang undercover agent para ibigay ang marked money bilang bayad kay Tuas. Matapos ibigay ang pera agad humudyat ang mga ahente sa iba pang operatiba para ipaalam na maayos na naisagawa ang transaksyon, kaya agad pumasok ang BARMM at hinuli si Tuas.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE