
PATAY ang siyam na inmate sa nangyaring riot sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Kabilang sa mga namatay ang anim na miyembro ng Sputnik Gang, dalawa mula sa kalaban nitong pangkat, Commando, at isa mula sa hindi pa nakikilalang grupo, ayon sa Southern Police District.
Pito pang inmates ang sugatan.
Ayon sa Bureau of Corrections, nagsimula ang gulo sa loob ng quadrant four ng maximum security compound dakong alas-1:00 ng madaling araw at natapos ng alas-3:30 ng madaling araw.
Ayon sa mga saksi, nagkaroon ng batuhan ng bato at iba pang bagay ang naturang mga gang, na tinamaan ang ibang bilanggo,
Inatasan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra, ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pangyayari at isumite ang report sa loob ng 10 araw. Nagsagawa na rin ng sariling imbestigayasyon ang BuCor.
More Stories
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification
Pamilyang Villar, todo-suporta sa kandidatura nina Camille at Cynthia Villar sa Las Piñas motorcade
SUPREMO, TANGGOL NG BATANG QUIAPO, NANLIGAW SA MANILEÑO