
CALAMBA CITY, Laguna — Nalambat ng mga awtoridad ang siyam na katao, kabilang ang dalawang babae, na naaktuhang nagsasagawa ng pot session sa isang bahay na nagsisilbing drug den ng mga gumagamit ng ilegal na droga.
Sa bisa ng isang anti-illegal drugs buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Laguna Provincial Office, PDEA Region 4A Special Enforcement Team 1, at Laguna Police Provincial Office Drug Enforcement Team, nasakote ang mga suspek dakong alas-7 ng gabi noong Martes, Hunyo 10, 2025 sa Purok 6, Barangay Dos, Calamba City.
Kabilang sa mga nadakip ay dalawang babae na may edad 44 at 54 anyos, at pitong lalaki na may edad 24, 26, 28, 33, 49, 50, at 51 anyos—pawang mga residente ng nasabing barangay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasamsam sa loob ng drug den ang tinatayang 8 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P54,400.00, buy-bust money, at iba’t ibang drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ulat ni KOI HIPOLITO)
More Stories
Pacers Bumawi, Tinambakan ang Thunder sa Huling Yugto para Makuha ang 2-1 NBA Finals Lead
Tulak, isinelda sa P340K droga
No. 4 regional top most wanted person, huli sa Caloocan