Magtatagisan ang 9 na teams sa pagbuslo ng Super League Pilipinas (PSL) sa Biyernes, Marso 18 sa Dipolog City Sports Complex. Ang bagong basketball league ay panibagong maghahatid ng saya sa Pinoy fans. Na may motto na ‘Pambansang Liga ng Pilipino’.
Kabilang sa koponan na magtutuos ay ang Basilan (BRT) Steel, Pagadian Explorers, Cagayan de Oro Higalas, Bicol Spicy Oragons, Davao Occidental Tigers, Roxas City Vanguards, Cagayan Valley Golden Eagles at Zamboanga Peninsula JPS Lantau. Paglalabanan ng mga team ang ‘Pearl of the Orient’ Cup.
Mapapanood naman ang laro sa free TV sa Net 25. Na siyang Official TV Broadcast Partner ng PSL. Na isasahimpapawid sa darating na Sabado sa ganap na alas 2:00 ng hapon.
Masaya naman sina PSL President Rocky Chan at Vice President Ray Alao sa kasunduan sa pagitan ng network.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2