
NASA malubhang kalagayan ang 9-anyos na batang lalaki matapos barilin ng isa sa tatlong suspek bilang resbak sa ginawa umanong pambubugbog ng biktima sa kapuwa menor-de-edad na bata sa Navotas City.
Nakaratay sa Tondo Medical Center habang ginagamot ang biktimang si alyas “Angelo”, residente ng Market 3, Brgy. NBBN, matapos isailalim sa operasyon sa sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib na tumagos sa kanyang likod.
Naaresto naman sa follow-up operation ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang gunman na si alyas “Aljhun”, 31, ng Bulungan St. Brgy. NBBS-Proper habang hinahanap pa ang dalawa niyang kasabuwat na sina alyas “JB” at alyas “Albert” na kapuwa residente rin ng Bulungan St.
Ayon kay Col. Cortes, nangyari ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Palengke Avenue, Market 3, Brgy. NBBN nang resbakan ng mga suspek ang biktima sa ginawa umanong pambubugbog sa isa ring batang lalaki na si alyas “JR”.
Nagsumbong umano si alyas JR kay alyas Aljhun sa ginawa sa kanyang panggugulpi ng biktima kaya inangkas niya sa motorsiklo ang menor-de-edad upang hanapin si alyas “Angelo”, kasama ang dalawa pang magka-angkas din sa motorsiklo na sina JB at Albert.
Natiyempuhan ng mga suspek ang biktima na naglalakad sa Palengke Avenue matapos ituro ni alyas JR kaya agad itong kinompronta ni alyas Aljhun bago binaril ng isang beses sa dibdib, gamit ang hindi nabatid na kalibre ng baril.
More Stories
DTI itinurnover ang P30-M improved farm-to-market road sa Lanao del Norte
BABAENG SOUTH KOREAN NA WANTED SA RENTAL SCAM NADAKMA
iFWDPH program naglalayong matulungan ang mga OFW na magkaroon ng mga negosyo na nakabase sa teknolohiya