MAHIGIT sa 88,000 mga deboto ang sumali sa “Walk of Faith” Linggo ng madaling araw bilang pakikiisa sa selebrasyon ng pista ng Itim na Nazareno.
Ang “Walk of Faith” na siyang ipinalit sa tradisyunal na “Traslacion” na dinudumog ng milyon katao, ay higit na mas maayos.
Ang prusisyon ay ginawa ng hindi kasama ang life-size na imahe ng Nazareno, sa halip hinikayat ang mga deboto na bitbitin ang kani-kanilang mga miniature na imahe.
Hindi pa rin pinayagan ang pagsasagawa ng traslacion na kadalasan ay tumatagal ng mahigit sa 20 oras, dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease.
Nagsimula ang prusisyon ng “Walk of Faith” ala-1:30 ng madaling araw at natapos ng bandang alas-4 ng umaga.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON