November 5, 2024

85% NG PINOY, TAKOT MAHAWA NG COVID-19

AABOT sa 85 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na sila ay nababahala sa posibilidad na mahawa sa COVID-19, base sa resulta ng latest survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa naturang bilang, natukoy na 63 percent dito ang lubhang bababahala habang 22 percent naman ang sakto lamang.

Tanging siyam na porsiyento ang hindi gaanong nababahala, at anim na porsiyento naman ang hindi talaga takot na mahawa sa COVID-19.

Pinakamataas na worry rate ang Balance Luzon sa 87 percent, sunod ang Visayas sa 84 percent, Metro Manila sa 83 percent at Mindanao sa 80 percent.

Mababatid na karamiham sa COVID-19 cases sa bansa ay naitala sa Metro Manila, pero ang worry rate sa rehiyon na ito ay bahagyang bumaba sa 83 percent ngayong buwan kung ikukumpara sa resulta ng survey na isinagawa noong Mayo at Hulyo na 92 percent.

Ang latest survey ng SWS ay isinagawa noong Setyembre 17 hanggang 20 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa 1,249 adult Filipinos nationwide.