
IPINA-DEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang 84 Chinese nationals noong Abril 11 bilang bahagi ng pinaigting na pagsisikap na tuldukan ang mga operasyon na pinapatakbo ng mga dayuhang kriminal, partikular na ang illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Inilipad ang mga nasabing dayuhan lulan ng Philippine Airlines flight patungo sa Beijing noong madaling araw ng Huwebes, ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval.
Aniya, isinagawa ang deportasyon sa pakikipagtulungan ng PAOCC, National Bureau of Investigation (NBI) at Chinese Embassy sa Maynila.
Ang mga idineport na Chinese nationals nahuling walang sapat na dokumento at overstaying na sa Pilipinas.
Una nang nahuli ang nasabing mga dayuhan sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng gobyerno sa Tarlac, Cebu at Paranaque.
“The BI remains committed to supporting the administration’s efforts to restore order and uphold the law by cracking down on illegal foreign activities linked to organized crimes,” ayon kay Sandoval. (ARSENIO TAN)
More Stories
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS
“HINDI PA PINAL!” – Atty. Ian Sia, sumalag sa isyu ng disqualification