Nakatanggap ang 815 miyembro ng Legazpo City Farmers’ Association ng fertilizer assistance mula sa Department of Agriculture (DA) nitong Pebrero 26 at 27.
Ayon kay City Agriculture Office (CAO) chief Shiela Nas, na ang mgagsasaka na ito ay opisyal na naka-enroll sa Registry System for Basic Sector of Agriculture (RSBSA) na required ng DA.
“We gave them a coupon worth PHP1,500 for half hectare rice field and PHP3,000 for one hectare and converted it into urea fertilizers as part (DA’s) Hybrid Cluster Voucher Program (HCVP),” saad niya.
Gagamitin ng farmer beneficiaries ang kanilang mga pataba para sa pagtatanim ng hybrid at inbred palay seeds sa kani-kanilang bukirin upang umani ng mas maraming ani at madagdagan ang kanilang kita.
“Presently, we have 525 hectares of rice field in Legazpi that produce an average of 120 bags per hectare of hybrid palay and 90 bags of certified seeds palay,” dagdag niya.
Ayon pa kay Nas na ang mga planting materials ng hybrid na palay at fertilizers ay ibinibigay nang libre sa mga magsasaka bilang bahagi ng subsidization program ng DA para mapalago ang kabuhayan, lalo na ng mga nasa sektor ng agrikultura.
Aniya na ang pagtatanim ng hybrid na palay ay mainam sa tag-ulan o sa mga lugar ng agrikultura na may magandang irigasyon upang matiyak na may sapat na suplay ng tubig kung kinakailangan sa tuwing cropping season.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA