December 26, 2024

800K NABAKUNAHAN NG RED CROSS


Dahil sa walang sawang pagsuporta sa pamahalaan upang tumulong na masugpo ang COVID-19 pandemic, umabot na sa 807,976 ang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) sa 26 Bakuna Centers nito, 17 Bakuna Busses at Bakuna Teams nationwide nitong Disyembre 23, 2021.

“Kahit maraming hamon ngayon ang ating bansa, ang Red Cross ay patuloy na nagpapadala ng mga bakuna sa mga tao, at palagi naming tinitiyak ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna dahil tulung-tulong tayong upang mapigilan na ang pandemya (Although our country faces many challenges, the Red Cross continues to send vaccines to people, and we always make sure the safety and effectiveness of vaccines because we work together to stop this pandemic),” ayon kay PRC chairman and CEO Senator Dick Gordon.

Matapos paikliin ng Department of Health (DOH) ang agwat sa pagitan ng second dose o primary dose at booster shot, hinikayat ng PRC ang lahat na kumuha na ng kanilang booster shot sa lalong madaling panahon.

Ayon sa pinakabagong polisya ng DOH, maari nang kumuha ang mga adult ng kanilang booster shot tatlong buwan matapos ang kanilang huling dose o dalawang buwan para sa mga nakakuha ng one-dose Janssen vaccine.

“The best way to protect yourself, your loved ones, and the people around you is by getting vaccinated,” wika ni Gordon.