Umabot na sa 800,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 8,355 panibagong impeksyon ngayong Lunes.
Ayon sa DOH, 803,398 ang kabuang kaso sa bansa, kung saan 143,726 o 17.9% dito ay aktibo.
97.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 1.1 porsyento ang asymptomatic; 0.34 porsyento ang moderate; 0.6 porsyento ang severe habang 0.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 10 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 13,435 o 1.67 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 145 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 646,237 o 80.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Samantala, sinabi ng independent OCTA research na maaring umabot sa higit 1 milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang Abril.
“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa report ng grupo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA