DUMADAING ang 800 mangingisda dahil sa posibleng pagkawala ng kanilang hanap-buhay dahil sa pagpapatayo ng 2,000 hektarya na floating solar project sa Laguna de Bay, ayon sa PAMALAKAYA.
Sinabi ng grupo na nangangamba ang mga maliit na mangingisda dahil mahaharang ng solar project ang kanilang mga Bangka na ginagamit sa pangingisda at masira ang kanilang pantalan.
“Napag-alaman namin sa lokal na pamahalaan na hindi lamang mahaharangan ng mga floating solar panel ang daanan ng mga bangka, kundi sasaklawin ng proyekto maging ang mga daungan. Walang alternatibong nabanggit para sa mga apektadong mangingisda ng Lawa ng Laguna,” ayon kay PAMALAKAYA-Bay president Alejandro Alcones.
“Nakakadismaya na hindi na nga kami nakonsulta bago planuhin ang proyekto na sasaklaw sa aming pangisdaan, hindi pa isinama sa plano kung paano ang kabuhayan ng daan-daang maliliit na mangingisda sa bayan ng Bay,” dagdag niya.
Ayon sa grupo, ang solar project na nai-auction na ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), ay sasaklawin ang ilang lugar sa lalawigan ng Laguna, kabilang ang Calamba, Cabuyao, at Santa Rosa. Sasaklawin din nito ang mga bayan ng Bay at Victoria sa Laguna.
Paliwanag ng kanilang grupo, ang naturang floating solar project ay maaari umanong magdulot ng panganib sa 8,000 fisherfolks sa lalawigan ng Laguna, kabilang na ang 2,000 indibidwal na kabilang sa aquaculture industry. Ipinahayag ng grupo na makikipag-ugnayan ito sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang LLDA at Department of Environment and Natural Resources, para ipresenta ang kanilang paninindigan laban sa “profit-driven and destructive” na proyekto.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA