December 23, 2024

800 BENEPISYARYO SA LA UNION, NABIGYAN NG AYUDA NI SEN LAPID

NAMAHAGI si Senador Lito Lapid ng ayuda sa may 800 benepisyaryo sa bayan ng Bauang at Bacnotan, La Union ngayong Huwebes ng umaga.

Sa inisyatiba ng tanggapan ni Lapid, naglaan sya ng P2 milyon piso sa dalawang bayan at nabiyayaan ang mga benepisyaryo ng kaukulang halaga mula sa DSWD.

Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinansyal ng Senador mula sa Assistance to Individual Situation (AICS) program ay mga senior citizen, persons with disabilities(PWDs), single parents at mga estudyante.

Sa  maiksing talumpati ni Lapid, inaasahan nyang makatutulong ang ayuda sa kanilang pangangailangan sa panahon ngayon ng krisis.

Nangako naman si Lapid na babalikan ang mga taga-Bauang at Bacnotan kapag nabigyan na ang iba pang lugar sa bansa.

Nagpasalamat naman kay Lapid sina Bauang Mayoralty bet Bong Lee at Mayor Martin De Guzman, Bacnotan Mayor  Divina Fontanilla at buong Konseho Todo pasalamat din ang mga benepisyaryo sa  Bauang at Bacnotan sa tulong ng Senador at sa napapanahong ayuda sa kanila.