MATATANGGAP na ng 80 pamilya na biktima ng landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro ang kanilang sariling housing units sa susunod na buwan.
Ayon kay Vice Governor Hayvee Tyron Uy, itatayo ang 80 housing units sa 1.6 hektarya na lupain sa Barangay Panibasan.
Nawalan ng bahay ang nasabing mga pamilya nang mangyari ang landslide noong Pebrero 6 sa Zone 1, Barangay Masara kung saan 98 ang namatay habang walo ang nanatiling nawawala.
Ayon kay Uy umabot sa 127 pamilya ang apektado ng nasabing pagguho ng lupa.
Ang second phase ng proyekto ay para naman sa nanatiling 47 pamilya, dagdag niya.
Ang naturang proyekto na pinamagatang “Balayanihan” ay isang convergence effort ng national government agencies, private sector at ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Uy, nasa P10 milyon ang paunang gastos sa housing project, kabilang ang land development.
“There will be amendments to that because the staff of Speaker Martin Romualdez said there is a need to revise the proposed housing. This will entail additional cost but will be more comfortable for the recipients,” dagdag ni Uy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA