Isang explosion ang nangyari sa isang volleyball game sa Datu Piang, Maguindanao kamakalawa. Kung saan, walong players ang nasugatan. Isa naman ang nasawi sa nasabing insidente. Naganap ang insidente dakong alas 3:00 ng hapon noong Sabado.
Sinabi ni Lt. Col. John Paul Baldomar ng Army’s 6th Infantry Division, na hindi pa nila matukoy ang mga salarin. Ayon sa army bomp experts, di pa nila matiyak kung anong uri ng bomba ang ginamit sa pampapasabog. Pero, may hinala sila na phone-triggered explosive ang ginamit ng mga ito.
Kinondena naman ng LGBTQ community ang nangyaring pagsabog. Nanawagan sila na dapat maging alerto ang kinauukulan sa kapakanan ng gaya nila.
More Stories
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino