
Pinalaya na ang walong Filipino seafarers na nakakulong sa Malaysia dahil sa umano’y paglabag sa Immigration laws, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Ang mga Pinoy crew ng MT Krishna 1 ay na-detain sa Kota Tinggi, Johor noong Abril 11 dahil sa kawalan ng pasaporte at kaukulang dokumento.
Matapos ang pakikipag-ugnayan ng DMW, Migrant Workers Office, at OWWA sa mga awtoridad ng Malaysia, pinalaya ang mga marino noong Abril 18.
Inihahanda na rin ang kanilang agarang repatriation pabalik ng Pilipinas, at tiniyak sa kanilang mga pamilya ang kaligtasan ng mga seafarers.
Tuloy rin ang sahod at benepisyo ng mga Pinoy crew, ayon sa kanilang Licensed Manning Agency. Sila ay makakatanggap ng suporta sa ilalim ng AKSYON Fund ng DMW.
More Stories
KAGAWAD TIMBOG SA PANINILIP SA DALAGITA!
3 SUSPEK SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA CHINESE BUSINESSMAN, ARESTADO NA
Panahon na Para sa Tunay na Partido, Hindi Personalidad