PATAY ang walong katao sa nangyaring sunog sa Village A, Barangay UP Campus, Diliman, Quezon City ngayong Lunes ng umaga.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, sugatan din ang tatlong katao sa nangyaring sunog habang 80 kabahayan ang naabo.
Una nang napaulat na nagsimula ang sunog ganap na alas-5:20 ng umaga, at mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-5:38 ng umaga.
Tuluyang naapula ang apoy bandang alas-7:00 ng umaga. Dalawang fire truck at dalawang ambulansiya ang nagresponde sa pinangyarihan ng sunog.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, pero may napaulat na nagsimula ang sunog sa second floor ng kwarto ng isang nagngangalang Emirys Artuge. Apektado ang 250 pamilya sa nangyaring sunog at umabot sa P150,000 ang halaga ng pinasala nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA