
UTAS ang walong katao habang isa ang sugatan sa nangyaring sunog nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay San Isidro, Quezon City.
Sa bulletin na inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2:02 ng madaling araw nang umabot sa unang alarma ang nasabing sunog na tumupok sa tatlong palapag na bahay.
Kabilang sa mga nasawi ang dalawang bata na ang edad ay 12-anyos at 2-anyos.
Samantala, nagtamo ng laceration sa kanyang kaliwang balikat ang 36-anyos na si Jophel Samosa at binigyang ng paunang lunas ng BFP Emergency Medical Services.
Idineklarang under control ang sunog dakong alas-2:26 ng madaling araw at tuluyang naapula ng 2:48 a.m.
Umabot sa P3.6 milyon ang pinsala ng nasabing sunog.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE