NAPAULAT na walo ang namatay sanhi ng pananalasa ng bagyong Butchoy at Carina.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat ang napaulat na namatay sa Zamboanga Peninsula, dalawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at tig-isa sa Northern Mindanao at Davao Region.
Samantala, dalawa ang napaulat na nasugatan at isa ang nawawala sa Northern Mindanao.
Umabot sa 866,483 pamilya ang labis na naapektuhan ng dalawang bagyo.
Naitala ng NDRRMC na umabot sa P8.7 milyon ang danyos sa agrikultura habang P700,000 sa imprastraktura.
Ngayong araw, bahagyang lumakas si Carina kaya’t itinaas sa Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 ang Batanes at TCWS No. 1 naman sa siyam pang lugar.
Lumabas ang bagyong Butchoy sa Philippine area of responsibility noong Linggo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY