December 24, 2024

8 PANG CHINESE NATIONAL BAN SA PILIPINAS – BI

Walo pang Chinese nationals ang pinagbawalan nang pumasok dito sa Pinilipinas dahil sa overstaying matapos silang pagkalooban ng 1-month visa-upon-arrival (VUA).

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, inilagay na ang naturang mga Chinese nationals sa blacklist matapos silang paalisin dahil sa isyu ng overstaying.

Ayon kay Morente, hindi raw bumalik ang mga Chinese nationals sa kanilang bansa nang magpaso ang kanilang VUA at wala silang naibigay na rason kung bakit nanatili pa ang mga ito sa bansa.

Lumalabas na dumating sa bansa ang naturang mga banyaga noong November 2019 at January 2020 at ang lahat sila ay pinayagang pumasok sa bansa sa loob lamang ng 30 days sa ilalim ng VUA program.

“They did not leave before the lapse of their authorized stay without any valid reason or justification.  And it took them several months after they arrived before they manifested their intent to depart and return to their country,” ani Morente.

Noong nakaraang buwan, ipinag-utos din ng BI chief ang pag-blacklist ng 21 Chinese VUA recipients at pinabalik sa kanilang bansa.  

Ang VUA ay isang scheme na inilunsad ng pamahalaan tatlong taon na ang nakaraan para bigyan ng pagkakataon ang mga Chinese visitors na pumasok sa bansa para mapalakas pa ang tourism industry.