REHAS na bakal ang kinasadlakan ng walong pasaway na sugarol matapos maaktuhang humihitit ng shabu habang nagsusugal ng cara y cruz sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. RonaldyYlagan ang mga nadakip sa unang grupo na sina Christopher Guerrero, 25, Domingo Salire, 24, Erwin Arogante, 28 at John Kenneth Diosa, 20 habang ang isang grupo naman sina Benedict Viola, 21, Eugene Manalo, 42, Joel Montero, 24 at Arnel Oliverio, 39 na pawang mga residente ng Brgy. 178 Camarin.
Sa ulat na tinanggap ni Gen. Ylagan, magkasunod na natanggap ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 15 ang isang text message at tawag sa telepono ng concerned citizen kaugnay na nagaganap na pot session at pagsusugal ng cara y cruz sa Sanana Street, Miramonte Heights, Brgy. 180 ng ilang mga kalalakihan sa kabila ng ipinaiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) dakong alas-9:00 ng gabi.
Bumuo kaagad ng dalawang team ang pulisya at mabilis na tinungo ang lugar kung saan inabutan nila ang dalawang grupo ng kalalakihan na nagsusugal habang humihitit ng shabu.
Ayon sa pulisya, nakumpiska sa dalawang grupo ang tig-tatlong coins na ginagamit bilang pangara, ilang piraso ng salaping papel at drug paraphernalia.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?