WALO ang nadagdag sa talaan ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon sa City Health Department ng Malabon hanggang alas-5:00 ng gabi ng August 10, dalawa ang nadagdag sa mga namatay na nagmula sa Barangays Muzon at Tañong. Sa kanuuan ay 126 na ang mga nasawi sa naturang sakit sa lungsod.
Nadagdagan naman ng 61 ang kompirmadong kaso. Sa kabuuan ay nasa 2,408 ang tinamaan ng virus sa lungsod, 579 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 89 ang nadagdag sa bilang ng mga pasyenteng gumaling. Sa kabuuan ay 1,703 na ang mga pasyenteng gumaling sa naturang sakit.
Samantala, ayon naman sa report ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng lungsod ng Valenzuela hanggang alas-11:00 ng gabi ng August 10, nasa 2,902 na ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 1,256 dito ang active cases at 1,562 naman ang mga gumaling.
Anim naman ang nadagdag sa mga binawian ng buhay sa naturang sakit dahil nung August 8, ay nasa 78 ang bilang ng mga nasawi subalit sa huling ulat ng CESU hanggang August 10, ay umabot na sa 84 ang bilang ng mga namatay.
More Stories
MOVIE, TV ICON GLORIA ROMERO, PUMANAW NA
3 sangkot sa droga, kulong sa P183K shabu sa Caloocan
Lalaking nanutok ng baril dahil sa utang, swak sa selda