January 23, 2025

8-M PINOY IAAHON SA KAHIRAPAN (Partnership strategy ng ADB sa ‘Pinas malaking tulong – Recto)

NANINIWALA si Finance Secretary Ralph Recto na malaking tulong sa hangaring poverty reduction ang inilunsad na bagong country partnership strategy ng Asian Development Bank (ADB) para sa Piiipinas.

Ayon kay Recto ang Country Partnership Strategy o CPS 2024-2029 ay sumasalamin sa malalim na pagkakaibigan ng ADB at Pilipinas at ang kanilang pagkaunawa at commitment sa pangangailangan ng bansa para sa pagunland.

Anya.. makatutulong ito upang iangat ang buhay ng walong milyong mga Pilipino sa kahirapan hanggang matapos ag termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layon ng CPS 2024-2029 na panggunahan ang bansa tungo sa “greater inclusion” “climate resilience” at “competitiveness” sa pamamagitan ng pagpapalakas ng human development, de kalidad na imprastruktura, at disaster resilience.

Ang country strategy ay binuo ng ADB katuwang ang National Economic Development, DoF, iba pang ahensya ng gobierno, private sector at civil society.