SA kulungan ang bagsak ng ng 79 Chinese nationals matapos ang isinagawang raid ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pinapasukan nilang pabrika sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa NBI Bulacan District Office, nakatanggap sila ng tip mula sa impormante kaugnay sa pabrikang di umano’y nagtatrabaho ang mga “undocumented Chinese nationals.”
Matapos magpositibo ang beripikasyon, ikinasa ng NBI ang operasyon sa naturang pabrika, kasama ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Sa pagsusuri ng BI, lumabas na pawang tourist visa lang ang hawak ng mga dayuhang nasakote sa operasyon. Sa Naturang bilang, anim ang lumalabas na opisyal ng kumpanya.
Wala naman binanggit kung anong klase ng pabrika ang sinalakay.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA