NATUKOY ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang 774 indibidwal na nakasalamuha ng siyam na positibo sa COVID-19 sa pamamagitan ng kanilang KyusiPass contact tracing system.
Pinadalhan ng notification ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ang mga indibidwal na ito para himukin sila na mag-report kaagad lalo na kung nakararamdam sila ng sintomas tulad ng ubo o lagnat.
“Upon reviewing the activities of residents who tested positive last May 7 and 8, we learned that nine of them were at certain establishments during the time they’re most likely infectious,” ayon kay CESU Chief Dr. Rolando Cruz.
“Through KyusiPass we were able to easily get details of other customers who were at the same establishments at around the same time,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Cruz na dapat gumamit ang mga citizen ng KyusiPass bilang contact tracing tool upang mabilis na mahanap ang mga nagtutungo sa isang establisemento o negosyo sa Quezon City
Samantala muling iginiit ni Mayor Joy Belmonte na kailangan na ngayon ng mga establisyimento na gumamit ng KyusiPass QR code o maglaan ng QR code scanner sa kanilang mga entrance sa ilalim ng City Ordinance No. 3019, S-2021.
“We understand the desire of all businesses to get back to normal as soon as possible. The use of KyusiPass will be instrumental in a way that helps us detect, track, and isolate COVID cases faster,” ani Belmonte.
Inabisuhan ang mga residente na makakatanggap ng mensahe mula sa CESU na tumawag alinman sa QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086 and 0931-095-7737 o mag-email sa [email protected]
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA