Isa lang ang wish ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang paparating na kaarawan at ito’y tuluyang maglaho ang coronavirus (COVID-19) pandemic upang bumalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Pinoy, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
Magdiriwang si Duterte ng ika-76 na kaarawan sa Linggo, Marso 28, ang kanyang ikalawang quarantine birthday.
Ayon kay Roque, walaing inisip ang Pangulo kundi tuluyang matapos itong pandemic.
“I’m sure the President wishes an end to this pandemic at nais po niya lahat tayo makabalik po sa buhay natin na normal” pagtitiyak niya.
“Ibig sabihin, babalik tayo doon sa napakataas na ating growth rate taun-taon, because ang kanyang pangako ay mas komportableng buhay para sa lahat,” dagdag pa nito.
Kabilang sa maagang bumati ng happy birthday sa Pangulo ay si Chinese Ambassador to the Philippines Huwang Xilian na personal na binisita si Duterte.
Ayon kay Roque, naka-schedule na si Huang para batiin ang Pangulo bago ipahayag ni Duterte ang kanyang pagnanais na makausap ito kaugnay sa Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Hindi naman tanda ni Duterte kung kailangan naganap ang eksaktong pagpupulong.
“Bago pa po nangyari itong insidente ng mga bapor, eh meron na pong appointment na ginawa si Ambassador para batiin ang Presidente sa kanyang darating na kaarawan,” wika ni Roque.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON