
Isang Amerikano na nag-viral sa social media dahil sa ilang linggong paninirahan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakaalis na patungong Thailand.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval na batay sa records, mula Bangkok dumating sa Pilipinas noong Enero 31 ang 76-anyos na Amerikano na itinago ang pagkakilanlan.
Simula noong araw na iyon, iniulat ng airport authorities na nanatili na sa loob ng NAIA Terminal 3 ang nasabing Amerikano dahil masyado raw mahal ang mga hotel.
Bago niyan, sinabi rin niya sa media na siya ay biktima ng pagnanakaw, ngunit mayroon pa rin siyang natitirang pera.
Aniya, nabubuhay lamang siya sa mga ibinibigay na pagkain mula sa mga empleyado ng airport at ibang mga pasahero.
Iniulat ang kanyang kaso sa US Embassy sa Maynila na nagsimulang magbigay ng tulong sa kanya.
Kinumpirma ng BI na hindi overstay ang kanyang visa at umalis patungong Bangkok noong Pebrero 22, 2025. (ARSENIO TAN)
More Stories
Mga residente, nagpapasaklolo kay CIDG Chief General Nick Torre at Batangas City Mayor Beverley Dimacuha na palayasin ang operasyon ng “Paihi” Petrolyo
VICO SOTTO SUSUNOD NA PANGULO (Suportado ni Vic Sotto)
TRILLANES NAIS GAYAHIN SI VICO SOTTO (Para sa pagbabago ng Caloocan)