CLARK FREEPORT – Umabot sa 75 Clark locators ang lumahok kamakailan lang sa 26th Recycables and Hazardous Waste Collection Event (RHCWE) na inorganisa ng Clark Development Corporation (CDC).
Pinangunahan ng Environmental Permits Division (EPD) ang bi-annual event na isinagawa noong Disyembre 14 hanggang 16, 2021 katuwang ang Environmental Practitioners Association (EPA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Environmental Management Bureau (EMB).
Sa naturang event, tinatayang nasa P850,000 ang ginastos ng Clark locators para sa treatment ng hazardous wastes.
Nag-alok din ang mga treaters/transporters ng mababang bayad sa serbisyo sa mga locator bilang bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) projects.
Ayon kay EPA President Engr. Rolando Sta. Cruz, naging matagumpay ang 26th RHWCE sa pagtitipon ng mga beteranong DENR EMB-accredited treaters at transporters, na miyembro rin ng EPA.
Nakatuon ang EPA, mga miyembro ng kumpanya nito, gayundin ang mga residente sa Clark sa pagprotekta sa kapaligiran sa pamamagitan ng best industry practices.
Samantala, umabot sa 1059 piraso ng baterya ang nakalolekta na inaasahang aabot sa P100,000.
Binuksan ni CDC-EPD Manager Engr. Rogelio Magat ang nasabing event at ibinahagi ang hamak na simula ng RHWCE na inumpisahan noong pang 2003 para sa recyclables o scrap materials tulad ng mga papel, plastic at karton at used lead-acid batteries (ULAB).
Ayon kay Magat, lumawak ito sa paglitpas ng taon, at noong 2010, isinama rin ang mga basura/gamit na at busted lamps para maiwasan ang pagtatapon ng mga toxic mercury sa kapaligiran.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE