HINDI pa makapagsisimula ng klase ang 738 pampublikong paaralan sa apat na rehiyon sa Hulyo 29 matapos ang nangyaring pagbaha at landslides dulot ng habagat.
Labis na naapektuhan ng habagat, na pinalakas ng Bagyong Carina, ang Luzon sa mga nakalipas na araw. Nagdala rin ito ng malakas na pag-ulan sa Mindanao sa kalagitaan ng Hulyo.
Ngayong araw, sinabi ng Department of Education (DepEd) na sa 738 na public schools, 442 sa Central Luzon ang hindi pa makapag-uumpisa ng new academic year sa Lunes.
Habang 206 public schools sa Metro Manila. Ang NCR ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity. 86 naman sa Cordillera Administrative Region at apat sa Soccsksargen.
Lumabas din sa datos ng DepEd na 64 public schools ang ginagamit pa rin hanggang nitong Biyernes bilang evacuation centers.
Habang 246 public schools ang binaha.
Sa post sa X kahapon, Hulyo 25, ibinasura ni Angara ang ideya na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong paaralan.
Last year, students missed up to 53 class days out of the 180-day school year…. We should take advantage of every day to learn because we don’t want a repeat of the learning loss which has already occurred,” saad niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA