NEW YORK (AFP) – Target ng NBA ang 72-game 2020-21 season sa Disyembre. Sa gayun ay may panahon pa ang players sa Tokyo Olympics ayon sa ulat.
Ayon sa The Athletic t ESPN, sinabi ng unnamed sources na sinabihan ng liga ang team owners sa isang conference ang tungkol sa plano.
Na kung saan, kailangan ng approval ng players union sa katapusan ng October. Sapol nang matapos ang playoffs noong October 11, may 72-day break ang liga. Sakto ito para sa December 22 restart.
Ang hakbang na ito ay may maigi para maraming laro ang lalaruin. Kumpara sa isa pang option na January restart.
Sa gayun ay may panahon para paghandaan ang Tokyo Olympics. Kung saan targrt ng US team ang apat na consecutive gold medal.
Gayundin ang pagpili sa mga players na kakatawan sa Olympics.
Kaugnay dito, kailangang pumayag ng The National Basketball Players Association kung kailan magre-restart.
Inilatag din na sa halip na ikasa uli ang home bubble, isasagawa ang laro sa bawat home arenas.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na