
Antipolo City — Umabot sa 71 katao, kabilang ang isang menor de edad, ang inaresto sa isang matinding raid na isinagawa ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa isang opisina sa Brgy. San Roque, Antipolo City na sangkot umano sa isang investment scam.
Sa ulat ni PNP-ACG director BGen. Bernard Yang, sinalakay ang naturang opisina gamit ang Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data laban sa isang kilala lang sa alyas na “Arthur.”
Nahaharap ito sa mga paglabag sa Securities Regulation Code (RA 8799) at Cybercrime Prevention Act (RA 10175).
Ayon sa imbestigasyon, si “Arthur” ang sinasabing utak ng scam at pinatatakbo ang ilegal na negosyo na nanghihikayat ng investors sa pamamagitan ng mapanlinlang na online platforms. Naging susi umano sa operasyon ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Matagal na palang minamanmanan ng Cyber Response Unit ng ACG ang grupo matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang Australian national na kinatawan ng IFW Global, isang foreign-based investigative firm.
Kasalukuyang sinusuri ng digital forensics team ang mga computer at gadget na nasamsam sa raid para sa posibleng ebidensya ng pandaraya at panloloko sa publiko.
More Stories
KOREAN SCAMMER NA MAY P400-M KASONG FRAUD, NASUKOL NG BI
39 foreign workers sa Telco sa BGC, naaresto ng Bureau of Immigration
Tulak, tiklo sa Malabon drug bust