(2nd UPDATE) PATAY ang 12 katao kabilang ang pitong sundalo, apat na sibilyan at isang suicide bomber habang 40 ang sugatan nang yanigin ng magkakambal na pagsabog ang Jolo, Sulu.
Ang unang pagsabog ay naganap sa harap ng isang tindahan ng pagkain sa Serantes Street, Barangay Walled City sa Plaza Rizal, ayon kay Lt. Col Donaldo Mateo ng 11th Infantry Division.
Isang nakaparadang motorsiklo ang sumabog kalapit ng M35 vehicle ng 21st Infrantry Division na ikinasawi ng marami.
“Initially, it’s an IED (improvised explosive device) planted in a motorbike,” ayon kay Maj. Gen. Corleto Vinluan Jr., chief of the military’s Western Mindanao Command.
Habang kinokordonan ng mga awtoridad ang nasabing lugar, isa pang pagsabog ang naganap sa harap ng bangko.
Namatay sa nasabing pagsabog ang pitong tropa ng gobyerno habang sugatan naman ang 19 nilang kasamahan at 22 sibilyan, ayon kay Mateo. Kinumpirma rin ng pulisya apat ang namatay na sibilyan.
Namatay din sa ikalawang pagsabog ang hinihinalang suicide bomber.
“Yung babae na may hawak na IED,” ani ni Vinluan.
Inatasan na ni Gen. Archie Gamboa, pinuno ng Philippine National Police, ang Bagsamoro regional police na magsagawa ng malalimang imbestigasyon at panagutin sa batas ang mga salarin.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?