TIMBOG ang pitong sabungero matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, 47.
Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Sub-Station 5 sa pangunguna ni PLT Ferdinand Espiritu at P/Capt. Carlos Cosme Jr. matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Orchids St. Brgy. Longos.
Pagdating sa naturang lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga nagtu-tupada kaya’t agad silang nagpakilalang mga pulis bago inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari pa at P2,800 bet money.
Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 ang mga suspek sa Malabon City Presecutors Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA