
PITO katao na ang iniulat na nasawi habang dalawa ang sugatan at dalawa ang nawawala nang yanigin ng magnitude 6.8 lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, Biyernes ng hapon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) ngayong Sabado, tatlo ang naitala sa General Santos; dalawa sa Glan, Sarangani; at tig isa sa Jose Abad Santos, Davao Occidental at Malapatan, Sarangani na bahagi ng Mindanao.
Ang dalawang sugatan ay naitala sa Glan, Sarangani habang ang dalawang nawawala ay iniulat sa General Santos.
Sinabi ng NDRMMC na 450 katao sa Davao Region at Soccsksargen ang nagamot na sa hyperventilation at pag-panic.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na 61 aftershocks na ang naitala mula alas-11:00 ng umaga.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON