NAPIGILAN ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang pag-alis ng bansa ng pitong Pinay na hinihinalang biktima ng human trafficking na patungong Arab Emirates.
Sa natanggap na report ni Immigration Commissioner Jaime Morente, Setyembre 17 nang maharang ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) ng BI ang naturang mga kababaihan sa immigration departure area ng NAIA Terminal 1 na pasakay na sana sa flight ng Philippine Airlines (PAL) patungong Dubai.
Tatlo sa babaeng ito ay natanggap umano bilang caregiver habang ang apat iba pa ay ni-recruit para magtrabaho bilang marketing at sales agents sa isang interior design company.
Ayon kay BI-TCEU Chief Ma. Timotea Barizo, ang mga naturang kababaihan ay nagtangkang umalis sa bansa bilang mga first-time overseas Filipino workers subalit sa ipinakitang papeles ay napag-alaman na ito ay peke.
“Verification made on the overseas employment certificates (OECs) they presented revealed that some of them are not in the records of the Philippine Overseas Employment Administrtion (POEA), while the others appear to have been issued to other persons,” wika ni Barizo.
Dagdag pa niya, nang suriin din ang kanilang UAE visas ay lumalabas na ang kanilang pagbiyahe sa Dubai ay bilang turista lamang at hindi bilang manggagawa.
Ang naturang mga babae, na hindi maaring banggitin ang mga pangalan dahil sa pagsunod sa anti-trafficking laws, ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa tulong at kaukulang imbestigasyon.
Dahil sa pangyayaring ito, muling nagbabala si Morente sa mga nais mag-abroad na huwag kagatin ang alok ng mga hindi rehistradong ahensiya o recruiter upang hindi maging biktima ng human trafficking.
“We were told that these intercepted victims all said that they met their handlers and recruiters via social media and that their travel papers were only handed to them a few days before their scheduled flights,” ani ni Morente.
“They did not know that these fraudulent papers could result in interception by our officers.”
Ayon pa kay BI chief, ipinagpatuloy ng mga human traffickers na ito ang kanilang masamang gawain sa gitna ng COVID-19 pandemic upang manira ng buhay ng milyong-milyong Filipino.
“These traffickers are taking advantage of our kababayan who need jobs during the pandemic,” dagdag pa ni Morente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA