May 24, 2025

7 nasampolan sa “Oplan Ligas” ng CIDG kontra mga magnanakaw ng petrolyo sa San Pascual, Batangas

Huli sa akto ang pitong miyembro ng mga sindikato na mga magnanakaw ng petrolyo o “PAIHI” kabilang ang maintainer/operator ng iligal na aktibidad, limang helper at isang driver ng lowry truck sa ipinatupad na “Oplan Ligas” ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Batangas Provincial Field Unit at ng San Pascual Municipal Police Station nuon madaling araw ng Huwebes (May 23, 2025) sa Brgy. Banaba, San Pascual, Batangas.

Ayon sa ipinadalang report ni CIDG Batangas PFU Chief P/Lt.Colonel Jake Barila, kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, Nasamsam sa lugar na pinagkukutaan ng mga suspek ang isang (1) Lowry Truck na may plakang NEM 4272, na may laman na 1500 litters ng Methanol, Pumping Machine, Dalawang (2) Chemical Hoses, isang (1) plastic container na may laman na 1000 litters ng Methanol at pitong (7) piraso ng mga metal drums, 900 litters ng Gasolina, worth P41,400.00, 900 litters ng Diesel worth P44,100.00 at 16 thousand litters ng Methanol na worth P176, 000.00.na may kabuoang P261,500 ang market value.

Sasampahan ang mga suspek na nasa kustodiya na ngayon ng CIDG PFU Batangas Office ng kasong paglabag sa Presidential Decree No.1865 o illegal trade of petroleum products na kilala rin sa tawag na “Paihi”.

Samantala ayon naman sa aking mga napagtanungan na mapagkakatiwalaang impormante isang pulis na si alyas “Garcia” di umano ng San Pascual PNP Intelligence Unit ang protektor ng mga iligal na aktibidad sa nasabing bayan. (KOI HIPOLITO)