Kaugnay sa lumalalang kaso ng Covid-19 sa ilang mga atleta sa mundo ng sports, hindi nakaligtas ang ilang manlalaro ng Women’s National Basketball Association (WNBA). Napaulat na pito sa mga players ng liga ang nagpositibo sa nasabing sakit bago magsimula ang training camp Bradenton, Florida.
Batay sa pahayag ng WNBA, sumailalim sa pagsusuri ang kabuuang 137 players nito mula June 28 hanggang July 5 ng kasalukuyang taon. Kaya naman, agad na ibinukod at sumailalim sa quarantine upang hindi na makahawa ng ibang players.
Kaugnay pa sa liga, labing-isa sa labing-dalawang teams ang nakatakdang magtungo sa Florida.Gayunman, hindi muna magtutungo ang Indiana Fever sa susunod na limang araw dahil sa CDC health protocols.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2