ARESTADO ang pitong Chinese national dahil sa pagkakasangkot nito sa credit card fraud at panunuhol sa mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, dinakaip ng mga operatiba ng NBI-Cybercrime Division ang pitong dayuhan, na itinuturing bilang transnational organized crime (TOC) group, sa magkakahiwalay na operasyon sa ParaƱaque at Quezon City noong Hulyo 27,
Isinagawa ang pag-aresto matapos makatanggap ng maraming reklamo ang NBI laban sa mga dayuhan na inakusahan sila ng vishing, smishing, phishing, click-baiting, pretexting, at whaling, na nagresulta sa hindi awtorisado o iligal na pag-access at kalaunan ay paggamit ng kanilang credit card credentials nang hindi nila nalalaman.
Ayon kay Santiago, maglalabas ng pera ang grupo sa pamamagitan ng socially engineered credit card credentials mula sa mga account ng kanilang mga biktima. Sinabi nito na ang grupo ay mangangailangan ng point-of-sale (POS) device para mapabilis ang pag-cash out.
Sa operasyon, ang mga poseur-accomplices ay nagpanggap na may hawak na POS device. Napagkasunduan nilang magpulong para magkatotoo ang iskema.
Nagdulot ito ng pagkakaaresto sa dalawang Chinese citizen sa isinagawang entrapment operation sa ParaƱaque noong Hulyo 27.
Ang isa sa kanila ay ilang beses na nagtangkang suhulan ang mga operatiba at nag-alok ng P1.5 milyon para sa kanilang pagpapalaya at pagwawakas ng mga kaso laban sa kanila.
Nagkunwaring pumayag ang mga operatiba sa alok at nagsagawa ng isa pang entrapment operation.
Kinagabihan ng araw ding iyon, dalawang sasakyan ang dumating sa parking lot ng NBI main office sa Quezon City para sa palitan.
Base sa ulat ng NBI, nagbigay ng isang bag ng pera ang isang mukhang Chinese, inaresto siya ng mga operatiba kasama ang kanyang mga kasamahan sa loob ng mga sasakyan.
Nasamsam ng mga awtoridad ang tatlong baril na may granada na grade-militar mula sa sasakyan. Ang mga naarestong indibidwal ay hindi nakapagbigay ng mga lisensya at papeles para sa mga baril.
Ayon sa NBI, dalawang Chinese individual na kinilalang sina Sun Jie at Lee Ching Ho ay kinasuhan ng mga paglabag sa Section 3(s) ng Republic Act 11449 (Access Devices Regulation Act) at Article 212 ng Revised Penal Code (Corruption of Public Officials).
Limang iba pa na kinilalang sina Jenny Pan, Zhao Zheng, Dong Jianhua, Yuan Bien, at Shao Wen Hu ay kinasuhan ng mga paglabag sa Article 212 ng Revised Penal Code at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA