HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pito sa mga kapwa akusado ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito ay para sa kasong Qualified Human Trafficking na isinampa sa Pasig City Regional Trial Court.
Nabatid na non-bailable ang nabanggit na reklamo kaya wala nang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa kanilang kalayaan.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, lima sa mga akusado ang sumuko sa NBI Central Luzon.
Dito ay kabilang ang presidente ng Zun Yuan Technology Center, habang dalawa naman ang dumulog sa Task Force Bamban, Tarlac.
Sila ay treasurer at secretary ng nabanggit na online gambling hub.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag