TIMBOG ang pitong katao, kabilang ang 47-anyos na ginang sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya kung saan apat sa kanila ang nakuhanan ng ilegal na droga sa Valenzuela City.
Ayon sa ulat, ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station (SS7) sina alyas “Ricardo”, 53, alyas “Nestor”, 23 at alyas “Imeld”, 47, matapos matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na “Tong-its” sa Blk 27 Lot 49, Northville 2, Harv, Brgy., Bignay.
Nasamsam sa kanila ang isang deck ng playing cards at P300 bet money habang ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu ay nakuha kay alyas Ricardo.
Dakong alas-5:30 ng umaga nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng SS5 sina alyas “Rodito”, 33, at alyas “Jepoy”, 33, na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ sa San Diego St., Brgy. Arkong Bato. Nakuha sa kanila ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P250 bet money habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nasamsam kay ‘Rodito’.
Sa Brgy. Malanday, nadakip naman ng mga tauhan ng SS6 si alyas “Jer” habang nakatakas ang kalaro nito sa sugala na ‘cara y cruz’ sa D. Santiago Street, dakong alas-3:00 ng hapon. Nakumpiska sa kanya ang tatlong piso coins na gamit bilang pangara P300 bet money at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
Nauna rito, ala-1:30 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng SS9 si alyas “Berto” habang nakatakas ang kanyang kalaro sa sugal na ‘cara y cruz’ sa loob ng Karuhatan Public Cemetery sa Padrigal St., Brgy. Karuhatan. Nakuha sa kanya ang isang plastic sachet ng umano’t shabu, tatlong piso coins na gamit bilang pangara at P300 bet money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 habang karagdagan na kasong paglabag Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharapin ng apat sa kanila.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG