Timbog ang pitong indibidwal matapos maaktuhang naglalaro ng cara y cruz sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga nadakip na sina Ronald Ebuenga, 41, Rolando Dianzon, 37, Alvin Mañozo Jr, 37, Jeremie Sarto, 24, Edwin Uno, 37, John Rey Argubano, 20, at Arnel Cantela, 32.
Batay sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ng impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity na kilala bilang cara y cruz sa kahabaan ng Estrella St. Wet and Dry Public Market, Brgy. Tañong.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLT Glenn Mark De Villa sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Vicky Tamayo, kasama ang mga tauhan ng Malabon police dakong alas-4:30 ng madaling araw.
Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na abala sa paglalaro ng cara y cruz na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito at nakumpiska sa kanila ang 3 pirasong peso coin na gamit bilang “pangara” at P1,380 bet money.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna