Namatay ang isang 7-anyos na batang babae matapos umanong malunod sa isang swimming pool sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dinala ng kanyang tita sa swimming lesson sa Tumana Complex Swimming Pool ang biktimang Grade 2 pupil na residente ng Brgy., NBBS Dagat-Dagatan.
Pagkatapos ng naturang swimming lesson dakong alas-6 ng gabi, huling nakita ng tita ang biktima na nakaupo sa gilid ng pool at pinuntahan naman niya ang kanyang anak na lalaki sa kabilang side ng pool.
Matapos niyang makuha ang anak, laking gulat na lamang ng tita nang hindi na niya nakita sa gilid ng pool ang biktima kaya agad itong tumakbo saka hinanap ang bata sa pool hanggang sa makita niya ito sa sahig ng pool.
Kaagad na ni-rescue ng tiyahin at ng Red Cross team na nakatalaga sa naturang pool ang biktima saka tinangkang i-revive bago isinugod ng ambulansya sa Navotas City Hospital subalit, idineklara itong dead on arrival ng attending physician dakong alas-6:30 ng gabi.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA