INARESTO ng pulisya ang isang babae matapos bugbugin ng husto ang 7-anyos na batang babae na kalaro ng kanyang anak sa Caloocan City.
Nasa kritikal pa rin na kalagaya ang biktimang si alyas “Jenny” matapos isailalim sa maselang operasyon sa Camarin Doctor’s Hospital, araw ng Linggo, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Nakakulong naman ngayon ang suspek na si alyas “Rowella”, 30, na nahaharap sa kasong frustrated murder sa Caloocan City Prosecutor’s Office
Batay sa tinanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nangyari ang insidente noong Biyernes ng hapon sa Brgy. 177 Urduja Village, habang nakikipaglaro ang biktima sa anak na babae ng suspek.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang umanong kinaladkad ng ginang ang bata sa banyo at ilang ulit na pinag-uuntog sa inidoro, binuhat at inihampas ang katawan sa baldosa.
Natigil lang ang pambubugbog nang pumasok ang kapatid na lalaki ng suspek sa bahay nang marinig ang sigaw ng pamangkin at dito niya nakitang sumusuka na ng dugo, namamaga ang mukha, ang nakahandusay na biktima.
Kaagad namang ipinaalam ng lalaki ang pangyayari sa ama ng bata na siyang nagsugod sa wala ng malay na anak sa pagamutan.
Nang makarating sa kaalaman ng pulisya ang pangyayari, nagresponde kaagad sina Pat Beverly Caguindagan at Pat Jesabeth Donato ng Hillcrest Police Sub-Station-8 na nagresulta sa pagkakadakip kay “Rowella”.
Ayon sa pulisya, mismong ang kalaro ng bata na anak ng suspek ang nagsalaysay kung papaano binugbog ng kanyang ina si Jenny na umano’y may dati ng problema sa pag-iisip.
More Stories
NM Nika sosyo sa 5 iba pang manlalaro sa Marienbad Open 2025 – C FIDE Open 23rd International Chess Festival
Lalaki, arestado sa panggugulo at baril sa Navotas
2 welder, patay nang ma-trap sa nasunog na barko sa Navotas