December 25, 2024

7.6-M PINOY GUTOM SA PANDEMYA – SWS

MAHIGIT sa 7 milyong Pinoy ang nakararanas ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan, pinakamataas na record na naitala sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey mula Setyembre 17 hanggang 20, lumalabas na 30.7 percent o tinatayang 7.6 milyong Pinoy ang nagugutom dahil sa kawalan ng pagkain, mas mataas sa 20.9 percent na naitala noong Hulyo.

Sa 7.6 milyong pamilya, nasa 5.5 milyon ang nakaranas ng ‘moderate hunger’ o iyong mga nagutom ng isa o minsan na pagkagutom.

Habang 2.2 milyon naman ang lumabas na dumaan sa ‘severe hunger’ o iyong malimit o laging nagugutom bawat araw.

Sa Metro Manila, nakitaan ng pagtaas ng hunger rate na mula 16.3 percent ay sumirit sa 28.2 percent.

Tumaas din sa Mindanao na nasa 37.5 percent, at Visayas na lumobo sa 40.7 percent.

Ang naturang survey ay sinagot ng 2,149 na Pinoy sa gamit ng telepono.