Umabot na sa 68,000 kabuuang bilang na mga residente ng lungsod ng Taguig ang nabakunahan laban sa COVID-19 gamit ang Sinovac, AstraZeneca at Pfizer.
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano, sisimulan nila sa buwan ng June ang target na mabakunahan ang 5,000 residente ng lungsod subalit nakamit nila noong isang araw dahil sa pagpupursige ng mga doktor at nurse na mapabilis ang pagbabakuna mula sa 8 vaccination site sa Taguig.
Inaasahan din ni Mayor Cayetano na matatapos sa buwan ng November ang pagbabakuna sa lahat ng mga residente ng Taguig dahil may mga karagdagan pa silang vaccination site na bubuksan sa susunod na linggo.
Plano din ni Cayetano na ipagamit ang kanilang pasilidad sa ibang mga local Government unit sa Metro manila sa sandaling maabot nila ang 100% na pagbabakuna sa lahat na mga residente ng Taguig City.
Inaasahan din ng alkalde na tataas pa ang bilang ng mga mabakunahan sa lungsod
Ito’y kasunod narin ng pakikipag tulongan ng Megaworld Inc sa Taguig City Government dahil sa karagdagang vaccination center dito sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna