Camp General Miguel Malvar, Batangas City- Nakapagtala ng 649 indibidwal ang inaresto na mga lumabag sa batas ang Batangas Provincial Police Office nitong buong buwan ng Mayo 2021.
Batay sa ulat ni Batangas Police Provincial Director PCol. Glicerio Cansilao kay Calabarzon Regional Director PBGen. Eliseo DC. Cruz, 236 ang mga dinakip sa sunod-sunod na operasyon ng drug buy-bust operations at search warrant na may kinalaman sa pagbebenta ng ilegal na droga o paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002).
Umabot sa 125.74 gramo ng mga pinaghihinalaang shabu at 177.1 gramo ng mga dahon ng marijuana ang nakumpiska ng mga awtoridad na may kabuuang street market value na P876,284.
113 mga wanted persons naman ang dinakip sa pamamagitan ng paghahain ng arrest warrant at 282 indibidwal naman ang dinampot dahil sa “tupada” o iligal na sabong ng manok at STL-Jueteng o paglabag sa Anti- Illegal Gambling Presidential Decree (PD)1602.
Nakahuli rin ng 18 katao dahil sa illegal possesion of firearms o RA 10591 at nakakumpiska rin ng 19 na loose firearms. “Let us continue to work hand in hand to accomplish our mission to prevent and control crimes maintain peace and order and ensure public safety.
We highly encourage the community especialy Batangueno’s for active participation in PNP’s efforts in promoting peace” ayon kay PCol. Cansilao. (Koi Hipolito)
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK