November 2, 2024

640K PAMILYA ‘GUTOM’ SA ALERT LEVEL 2 – SALCEDA

Nababahala si Albay Rep. Salceda na posibleng umabot sa 640,000 pamilya ang lalong magutom kapag inilagay ilagay sa Alert Level 2 ang National Capital Region.

Kaya naman hinimok nito ang pandemic task force na ibasura ang COVID-19 alert level system.

Ito ang naging reaksyon ni Salceda, na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, sa naging anunsiyo ng Department of Health noong Lunes na posibleng ibalik sa Alert Level 2 ang Metro Manila kapag patuloy na tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Naitala na sa 17 siyudad at munisipalidad na bumubuo sa National Capital Region, 14 rito ang tumaas ang kaso sa nakaraang linggo.

Punto ng kongresista hindi na akma ang alert level systems na ibinabase sa bilang ng kaso ng sakit at sa halip ay ibatay na dapat ito sa kakayanan na mamuhay kasama ang virus.

Pinaalalahanan din nito ang Inter-Agency Task Force (IATF) na kada linggo ng lockdown sa NCR ay katumbas ng ₱1.6-billion na mawawalang kita para sa mga manggagawa.

“An alert level will have very marginal, if any, COVID-mitigating effects. But it will cost working families, especially in the informal and self-employed sectors, gravely,” dagdag pa ng kinatawan.

Tinukoy pa nito na noong 2021, umabot ng 74,000 ang nasawi dahil sa COVID-19. Ngunit mas marami pa rin aniya ang nasawi dahil sa non-COVID na kadahilanan.

Dagdag pa ng economist solon, hayaan dapat ng pamahalaan ang publiko na makagalaw at kumita upang magkaroon ng kakayanan na alagaan ang sarili nilang kalusugan.

“Let’s keep minimum health standards and empower people to take care of their health. Vaccines, better nutrition, and the certainty that there will be hospital beds when they need them – these things give our people more agency than lockdowns or higher alert levels. Give them that, and allow them to earn a living, and they will be able to make decisions about their health,” diin ni Salceda.